IATF, nakatakdang magpulong bukas
By Julius Gonzales - April 7, 2021 , 11:12 pm

Nakatakdang magpulong ang Inter-Agency Task Force bukas.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kabilang sa agenda na tatalakayin bukas, ang susunod na quarantine classification sa NCR Plus sa pagtatapos ng enhanced community quarantine (ECQ) sa April 11.

Sinabi pa ni Sec. Duque na tatlo ang kanilang tinitingnan na mga pagbabatayan ng kanilang desisyon kaugnay sa ipatutupad na quarantine classification.  Ito ang mga sumusunod:

1. Average daily track-rate

2. Two-weeks growth rate 

3. Health-care utilization rate

Nilinaw din ni Sec. Duque na sa tatlong nabanggit na batayan, ay mas mahigpit nilang binabantayan ang healthcare utilization rate, o ang dami ng pasyenteng itinatakbo o inaadmit sa mga ospital.

YOU MIGHT ALSO LIKE