Ilang ambahador ng iba’t ibang bansa, iprinesinta kay Pangulong Duterte ang kanilang credentials sa Malacañan
By Racquel Bayan - May 25, 2022 , 10:11 pm

Bumisita sa Malacañan ngayong hapon ang ilang ambahador ng iba’t ibang bansa, upang ipresinta kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang mga credentials.

Kabilang sa mga ito ang Cambodian Ambassador to Philippines na si H.E. Phan Peuv.

Kabilang rin si Indonesian Ambassador to Philippines , H.E. Agus Widjojo, Argentian Ambassador to the Philippines, H.E. Ricardo Luis Bocalandro at Hellenic Republic Ambassador to Philippines
H.E. Ioannis Pediotis.
 
Malugod na tinanggap ni Pangulong Duterte ang credentials ng mga ito kasabay ng pagpapaabot ng commitment ng Pilipinas sa patuloy at pagpapaigting pa ng kooperasyon sa kanilang mga bansa.

Kabilang na riyan ang bilateral relations, kalakalan at investment, pagsusulong kapayapaan at stability sa rehiyon, interest ng mga mamamayan, at iba pang mahahalagang usapin.

Habang ginamit naman ng mga ambahador ang pagkakataon upang ipaabot rin sa Pilipinas ang commitment ng kanilang mga bansa sa pagpapayabong at pagpapatatag pa ng kanilang ugnayan sa Pilipinas, para sa iba’t ibang sektor at areas of cooperation.

YOU MIGHT ALSO LIKE