!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Ilang kongresista, suportado ang pagbibigay ng emergency powers sa Pangulo para sa traffic
By Kathleen Forbes - September 11, 2019 , 4:44 pm

Naniniwala ang ilang mambabatas na panahon na para mabigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para tugunan ang isyu sa traffic.

Ayon kay RAM partylist Representative Aloy Lim, hindi na sapat ang kapangyarihan at otoridad ng mga lokal na pamahalaan para lutasin ang trapiko.

Sinusuportahan naman ni ANAK KALUSUGAN Partylist Rep. Mike Defensor ang binubuong Traffic Bill ni House Transportation Committee Chairperson Edgar Sarmiento.

Aniya nakapaloob dito ang pagbibigay ng emergency powers sa angulo na may kaakibat na safeguards para hindi maabuso.

Para naman kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, ano mang panukala para sa pagbibigay ng emergency powers ay hindi dapat masamantala.

Dapat na din aniyang i-regulate ang mga pribadong sasakyan.

Ayon naman kay PBA Partylist Rep. Koko Nograles, naipasa na sa kamara noong nakaraang kongreso ang HB 6425 o Traffic Crisis Bill. Layon nitong bigyan ng tatlong taong emergency powers ang Pangulo para solusyunan ang trapiko sa Metro Manila, Cebu at Davao.

Hindi naman aniya malayo na magkasundo ang mababa at mataas na kapulungan para muling isulong ang naturang panukala lalo’t lalo pang lumala ang sitwasyon ng traffic sa bansa.

YOU MIGHT ALSO LIKE