Ilang mambabatas, naghain na ng resolusyon para paimbestigahan ang PhilHealth
By Kathleen Forbes - July 31, 2020 , 6:41 pm

Inihain nina Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat, ang House Resolution 1074, na nananawagan para imbestigahan ng Kamara ang umano ay mga anomalya sa PhilHealth.

Inaatasan ang House Committee on Government Enterprises and Privatization, na magsagawa ng pagdinig in aid of legislation sa paglalabas ng Interim Reimbursement Mechanism Fund (IRMF), at iba pang alegasyon ng korapsyon sa loob ng ahensya.

Nakasaad sa resolusyon ang kuwestiyonablen pagre-release ng PhilHealth sa ilalim ng IRMF para iba’t ibang health care institutions (HCIs) noong March, sa kabila ng April 22 lamang naglabas ng memorandum circular ang ahensya para sa standard operating procedure (SOP) ng pag-accredit ng HCIs, at paglalabas ng financial aid para sa mga ito.

Base sa naturang SOP, tanging ang mga acrredited HCI, public man o private na mayroon aprubadong kontrata o memorandum of agreement, ang kanilang matutulungan sa ilalim ng IRMF.

Ngunit noong April 15, ay nakapagbigay ang PhilHealth ng P9.6 million sa Catarman Doctor’s Hospital sa Northern Samar at P11.7 naman sa St. Benedict Hospital sa Davao del Sur, noong May 5, kahit kapwa hindi accredited ang naturang mga ospital.

Una nang inihain ni Paranaque Rep. Joy Tambunting ang House Resolution 1066, na nananawagan rin ng imbestigasyon.

Aniya, hindi tama na ang mga kontribusyon na binigay ng ating mga kababayan para sa kanilang kalusugan ay mapunta sa ibang bagay.

YOU MIGHT ALSO LIKE