Ilang regular holiday ngayong 2021, inamyendahan ni Pangulong Duterte
By Racquel Bayan - February 26, 2021 , 7:38 pm

Inamyendahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang pista opisyal na una nang itinakda at idineklara para sa taong ito.

Sa ilalim ng Proclamation no. 1107, mula sa pagiging special non-working holiday ng Nobyembre 2, Disyembre 24 at Disyembre 31, gagawin na ang mga ito na special (working) day.

Ayon kay Pangulong Duterte, kailangang makabangon ang ekonomiya ng bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ito aniya ang dahilan kung bakit kailangang hikayatin ang economic productivity, at i-minimize ang pagka-kaantala ng mga trabaho.

Bukod sa All Soul’s Day, Christmas Eve, at New Year’s Eve, mananatili nang holiday ang ibang regular holidays na hindi nabanggit.

Pirmado ng pangulo ang proklamasyong ito, ika-26 ngayong Pebrero, 2021.

YOU MIGHT ALSO LIKE