!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Ilang senador, naniniwalang nagbibiro lang ang Pangulo sa pahayag tungkol kay dating Mayor Loot
By Nimfa Asuncion - September 18, 2019 , 10:11 pm

Giniit ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na nagbibiro lamang si Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nito kagabi na siya ang nag-utos sa pang-aambush kay dating Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.

Ayon kay Go, malinaw namang biro lamang ito ng Pangulo at base sa kanyang pagkakakilala sa Pangulo ay naniniwala siyang hindi ito magagawa ng Presidente.

Ilang Senador, naniniwalang nagbibiro lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa pahayag nito tungkol kay dating Mayor Vicente Loot. | via Nimfa Asuncionwww.radyopilipinas.ph

Posted by Radyo Pilipinas on Wednesday, September 18, 2019

Gayunpaman, kahit biro lamang ay dapat pa rin aniyang itong ituring na babala sa sinumang government official na papasok sa illegal drug trade.

Maging si Senador Panfilo Lacson ay naniniwalang nagbibiro lamang si Pangulong Duterte.

Pero kahit nagbibiro,ay dapat na aniyang pag-ingatan ni Loot ang kanyang pisikal na seguridad bente-kwatro oras.

Matatandaang si Loot ay isa sa mga police general na kabilang sa narco-list na inanunsyo ni Pangulong Duterte noong 2016.

At nitong May 2018 ay nakaligtas ang dating heneral sa pananambang ng ilang di pa nakikilalang mga lalaki sa Cebu.

YOU MIGHT ALSO LIKE