!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Imbestigasyon ng BFP sa sunog sa LRT2, pinamamadali
By Kathleen Forbes - October 9, 2019 , 4:11 pm

Pinamamadali ng mga mambabatas ang ginagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa nangyaring sunog sa rectifier ng Light Rail Transit (LRT) 2.

Ayon kasi sa pamunuan ng LRT, hanggang visual assessment pa lamang ang kanilang nagagawa sa lawak ng pinsala ng sunog, kaya’t hindi rin sila makagawa ng angkop na hakbang para masimulan ang rehabilitasyon nito.

Batay kasi sa protocol ng BFP, hindi sila maaaring magpapasok ng ibang tao sa fire scene, hangga’t hindi pa sila tapos sa sariling imbestigasyon at makapaglabas ng kanilang report.

Agad namang nakipag-ugnayan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Epimaco Densing sa BFP, para mapahintulutan na ang LRT at kanilang consultant na makapasok sa fire scene at ma-assess ang mga nasirang kagamitan.

Tugon naman aniya ni BFP Director Leonard BaƱago, tatapusin na nila bukas ang report at papayagan nang makapasok ang LRT sa site para sa physical assessment.

Sa paunang report at findings ng LRT Engineering and Safety Division, posibleng kidlat ang pinagmulan ng sunog.

Isang araw kasi bago ang insidente, ay tinamaan na ng kidlat ang catenary system ng LRT.

YOU MIGHT ALSO LIKE