Infiltration ng NPA sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pamamagitan ng COURAGE, kinumpirma ng NTF-ELCAC
By Julius Gonzales - April 7, 2021 , 11:26 pm

Sa ginanap na zoom meeting ngayong gabi, ay ibinunyag ng NTF-ELCAC ang report ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Monteagudo, kaugnay sa papel ng grupong COURAGE sa pag-infiltrate ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa mga tanggapan ng gobyerno.

Ang naturang usapin ay pinatunayan din ni Ka Eric Almendras, na isang dating kadre ng NPA na ngayon ay tumatayong coordinator ng grupong SAMBAYANAN.

Nagbigay ng kanyang personal na kaalaman sa grupong COURAGE si Audrie Perez, na dating Presidente ng DSWD-Employees Union na naka-base sa Davao-Chapter.

Maging si ELCAC Usec. Joel Egco na dati ring miyembro ng NPA at aktibo sa grupong MAKABAYAN noong araw ay nagbigay din ng kaniyang nalalaman, kaugnay sa infiltration ng COURAGE sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Idinetalye din ni Ka Eric Almendras ang modus ng COURAGE kung paano nito na-infiltrate ang rank and file at employees union, ang tinatayang 37 government agencies, kabilang na ang Korte Suprema, Department of Public Works and Highways, Department of Social Welfare and Development, National Housing Authority  at maging ang Senate Employees Association.

Ayon kay Ka Eric, ang COURAGE ay may underground component na tinatawag na MKP o Makabayang Kawani ng Pilipino, na inorganisa ng CPP-NPA na naglalayong pabagsakin ang gobyerno.

Nakahanda naman si NTF-ELCAC Spokespeson Usec. Lorraine Badoy na humarap sa Senado, upang sagutin ang isyu kaugnay sa aktibong papel ng COURAGE sa Senate Employees Association.

Kinondena din ng NTF -ELCAC ang isinusulong na hakbang ng ilang senador na i-criminalize ang red-tagging dahil naglabas na ng desisyon dito ang Court of Appeals at maging ang Korte Suprema.

YOU MIGHT ALSO LIKE