Intermodal terminal sa kahabaan ng EDSA, window hours para sa prov’l buses, minungkahi ni Sen. Poe
By Nimfa Asuncion - August 13, 2019 , 9:28 pm

Imbes na total ban, minumungkahi ni Senator Grace Poe sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at sa iba pang concerned agencies ng gobyerno na guamawa na lamang ng mga intermodal terminal sa ilang strategic areas sa kahabaan ng EDSA na maaaring gamitin ng provincial buses.

Isa ito sa mga nakikitang solusyon ni Poe matapos ang naging pagdinig ng Senate Committee on Public Services.

Ayon sa senator, maaaring makipagtulungan ang gobyerno sa mga pribadong establisyimento sa kahabaan ng EDSA upang magsilbing babaan at sakayan ng mga pasaherong nanggagaling at magtutungo sa mga probinsya.

Mas magiging maginhawa pa ang pagbiyahe ng mga provincial commuter.

Ito ay habang ginagawa pa ang mas malalaking provincial terminal sa labas ng kamaynilaan na plano ng gobyerno.

Kasabay nito, ay nanawagan si Poe sa Department of Transportation (DOTr) at sa private concessionaire na nakakuha ng kontrata sa mga planong intergrated terminal sa FTI at sa Norte, na tapusin ang proyekto sa lalong madaling panahon.

Pinahayag pa ng senator, na maaaring patawan na ng parusa at panagutin ang mga concessionaire na ito lalo’t nakakontrata sila sa gobyerno.

Minungkahi rin ni Poe na bigyan na lamang ng window hours ang mga provincial bus na makapasok sa EDSA upang hindi sila makisabay sa rush hour.

YOU MIGHT ALSO LIKE