!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Ipinag-utos ng Pangulo na “all out war” laban sa mga komunista, ipatutupad ng PNP 
By Leo Sarne - September 11, 2019 , 12:05 pm

Agarang ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang ipinag-utos ng Pangulong Duterte na “all out war” laban sa mga komunista.

Ayon kay PNP Spokesperson P/Brig. Gen. Bernard Banac, ang huling laban para tapusin ang mga komunista ay magiging “firm and decisive”, sa pangangasiwa ng pambansang liberato.

Itinuturing aniya ng PNP na isang karangalan na mapabilang sa pambansang kampanya na maghahatid ng pangmatagalang kapayapaan, katatagan at kaunlaran sa mga komunidad.

Sinabi ni Banac na karapatan ng bawat Pilipino na mamuhay nang tahimik at ligtas sa banta ng terorismo, karahasan, at pagpapahirap.

Tiniyak naman ni Banac na ang mga operasyon ng PNP laban sa mga komunista ay magiging “swift and relentless”, at naaayon sa batas.

YOU MIGHT ALSO LIKE