Isyu ng Dengvaxia, walang kinalaman sa COVID vax — WHO
By Lorenz Tanjoco - February 23, 2021 , 4:43 pm

Nilinaw ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, representante ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas, na walang kinalaman sa naging kontrobersiya sa Dengvaxia anti-dengue vaccine, ang paghingi ng vaccine manufacturers sa mga bansang tatanggap ng bakuna ng indemnification agreements.

Aniya, ang naturang kasunduan ay kasama sa requirements at standards ng lahat ng manufacturers ng COVID vaccines, bilang proteksyon nila sakaling magkaroon ng adverse events sa mga tatanggap ng bakuna

Kinumpirma rin ng WHO representative, na patuloy pa nilang ini-evaluate ang aplikasyon ng Sinopharm para sa emergency use agreement ng Sinovac vaccine.

Aniya, sa March pa nila inaasahan na makukumpleto ang kanilang evaluation.

YOU MIGHT ALSO LIKE