Kamara, ita-transmit sa Senado ang proposed 2021 budget sa October 28
By Kathleen Forbes - October 16, 2020 , 8:14 pm

Tutugon ang Kamara sa hiling ng Senado, na maibigay sa kanila ang kopya ng 2021 General Appropriations Bill (GAB) sa October 28.

Ngunit ayon kay House Appropriations Committee Chair Eric Yap, ang isusumiteng kopya ng GAB ay hindi hard copy.

Ayon kay Yap, hindi niya maaaring ipahiya ang kanyang speaker kaya tatalima sila sa hiling ng senado na makuha ang kopya ng inaprubahang pambansang pondo.

Ang kopya aniya na ipapasa sa Senado, ay hindi hard copy bagkus ay ang kopya rin na isusumite sa National Printing Office na dapat para sa paglalathala.

“Hindi ko pwedeng ipahiya ang Speaker ko. It will be Oct 28. But hindi siya yung hard copy. Kung ano yung sinubmit namin sa NPO, yun yung ibibigay namin sa kanila (Senate) which is yung print lang, yung sa white paper lang.” ani Yap

Muli ring itinanggi ni Yap, na magkakaroon ng pagsisingit ng individual amendments ng mga kongresista dahil tanging amendments mula sa mga ahensya lamang ang kanilang tatanggapin.

Una nang sinabi ni Yap, na sa Lunes, ay isang special team ang susuri sa mga isinumiteng amyenda at kasunod na nito ang pag-encode na aabutin ng limang araw.

Habang tatagal naman ng sampung araw ang pagpapa-imprenta sa NPO.

YOU MIGHT ALSO LIKE