!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Kamara, nakapagtala ng record high attendance
By Kathleen Forbes - September 12, 2019 , 9:25 am

Aabot sa record high average na 247 na mga mambabatas ang dumadalo sa mga sesyon simula sa pagbubukas ng kongreso noong Hulyo 22 hanggang nitong Setyembre 10.

Ayon kay House Deputy Speaker Neptali Gonzales II, nagpapakita lamang aniya ito ng disiplina at dedikasyon ng mga mambabatas na maglingkod at makabuo ng mga batas para sa publiko.

Dagdag pa ng mambabatas, sa loob lamang ng 18 session days, ay nakapagpasa ang kamara ng mahahalagang panukala tulad ng Excise Tax on Alcohol Products, amendments sa Foreign Investments Act of 1991, at ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act.

Mabilis din aniyang gumulong ang budget hearing para sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Malaki aniya ang tulong ng pagiging hands-on ni House Speaker Alan Peter Cayetano para matiyak na nagtatrabaho ang kongreso para sa mamamayan.

YOU MIGHT ALSO LIKE