!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Kaso laban sa Pangulong Duterte na isinampa sa ICC kaugnay ng drug war, inurong na
By Julius Gonzales - January 14, 2020 , 8:51 pm

Hindi na itutuloy ni Atty. Jude Sabio ang abogado ni Edgar Matobato na nagpakilalang hit-man ang kanyang isinampang kaso sa International Criminal Court laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y crimes against humanity laban sa pangulo na konektado sa kampanya laban sa iligal droga ng pamahalaan.

Kaugnay nito ay inihayag na ni Sabio sa kanyang liham sa ICC Prosecutor na burahin na ang kanyang testimonya sa record ng komunikasyon.

Kinumpirma ito ngayong hapon sa media ni Atty. Larry Gadon, matapos gumawa ng formal letter si Sabio kay ICC Prosecutor Fatoi Bensouda kaugnay ng pag-urong sa kasong crimes against humanity laban kay Pangulong Duterte.

Inamin din ni Atty. Sabio na bahagi lamang ng political propaganda ng opposition senators at miyembro ng Liberal Party na sirain ang administrasyon.

Magugunitang si Atty. Sabio ang abogado ng nagpakilalang hit-man na si Edgar Matobato na nag-uugnay kay Pangulong Duterte sa Davao Death Squad.

YOU MIGHT ALSO LIKE