!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Kauna-unahang bus terminal sa bansa, nakakuha ng ISO Certification mula sa Geneva, Switzerland
By Rey Ferrer - October 11, 2019 , 10:46 am

Sa kabila ng masamang imahe ng bansa sa public transport system, inilabas ng International Organization for Standardization ang pagkakapasa ng Victory Liner Bus Terminal bilang certified excellent bus transport service.

Ayon sa report na inilabas ng ISO Central Sectetariat na nakabase sa Geneva Switzerland, ISO 9001:2015 Compliant for international standards in quality management ang Victory Liner bus Station-Caloocan City-based central maintenance hub.

Ito na ang kauna-unahang bus transport service sa Pilipinas na pasado sa ISO global standards.

Taong 2017 nang makatanggap ng kahalintulad na pagkilala ang LRT-LINE 1 na pambawi sa naging masamang imahe ng train system sa bansa dahil sa naranasan noon na hirap ng mga commuters na sumasakay sa MRT-3.

Ang ISO ay isang independent non-governmental international organization na may 164 national standards bodies.

YOU MIGHT ALSO LIKE