Labor Education Bill, aprubado na sa Senado
By Nimfa Asuncion - February 23, 2021 , 4:51 pm

Sa botong 22 (yes), 0 (no) at 0 (abstention), pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang magtatakda sa labor education, bilang isang elective course sa kolehiyo.

Sa ilalim ng Senate Bill 1513 o ang panukalang Labor Education Act, ang mga unibersidad at kolehiyo ay imamandatong isama ang labor education sa general education curriculum, at ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) naman ay imamandatong isama ito sa kanilang training regulations.

Pinapakahulugan ng panukala ang labor education, na pagtuturo ng labor rights, core labor standards, labor laws and regulations, national at global labor situation, labor market issues, at iba pang mga paksa na may kaugnayan sa pagtatrabaho.

Ayon kay Senator Joel Villanueva, na siyang tumatayong sponsor ng panukala, sa tulong nito ay maiiwas ang mga manggagawa mula sa mga unfair labor practices gaya ng illegal dismissal, occupational safety and health issues, at iba pa, dahil magiging maalam na ang mga employer at mga empleyado sa kanilang mga karapatan.

YOU MIGHT ALSO LIKE