Labor Sec. Bello, natuwa sa desisyon ng IATF na ibaba sa alert level 3 ang NCR
By Julius Gonzales - October 14, 2021 , 9:54 pm

Ikinalugod ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang naging desisyon ng IATF na ibaba sa alert level 3 ang NCR epektibo bukas hanggang Oct. 31 ngayong taon.

Ayon sa Kalihim, malaking bagay ito sa ating ekonomiya at sa employment opportunity at kabuhayan para sa marami nating kababayan.

Ayon pa kay Sec. Bello, sa pagbaba ng alert level 3 sa NCR sa nalalapit na kapaskuhan ay inaasahang gaganda ang mga negosyo.

Umaasa din si Sec. Bello na madadagdagan pa ang operational capacity ng mga negosyo mula 30% hanggang 70% para mas lalo pang makabangon ang mga negosyo, at mas marami ang trabahong maibigay sa ating mga kababayan na apektado ng pandemya.

YOU MIGHT ALSO LIKE