LGUs, pinayuhang magpatulong sa mga kalapit na siyudad o munisipyo para sa pagbabakuna kontra tigdas at polio
By Julius Gonzales - February 23, 2021 , 10:57 pm

Hinimok ng Department of Health ang mga lokal na pamahalaan na magpatulong muna sa mga healthworkers ng mga kalapit na lungsod o munisipyo, para sa pagbabakuna kontra tigdas at polio.

Ayon kay Dr. Beverly Ho ng DOH Health Promotion Bureau, kailangang tapusin ng LGUs ang phase 2 ng nasabing vaccination program, kahit lagpas na sa buwan ng Pebrero.

Ayon kay Dr. Ho, kailangan ding magbahay-bahay ng mga lokal na pamahalaan.

Sa mga lugar naman na naka-lockdown, kailangang hintayin na lamang na ma-lift ang lockdown saka ituloy ang vaccination program.

Ilan kasi sa mga LGUs ang nagsabi na hindi nila matutukan ang pagbabakuna kontra polio at tigdas dahil sumabay pa ito sa COVID-pandemic. Tiniyak naman ni Dr. Ho na mahigpit na ipinatutupad sa mga barangay healthworkers ang mga health protocols, para matiyak ang kaligtasan ng mga bata at maging mga magulang ng mga nagpapabakuna.

YOU MIGHT ALSO LIKE