!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Lider, spokesperson ng NPA, arestado sa Sarangani
By Leo Sarne - October 11, 2019 , 10:13 am

Naaresto ang isang lider at spokesperson ng New People’s Army (NPA), kasama ang dalawa pang communist terrorists sa joint law enforcement operation ng mga tropa ng 1002nd Infantry Brigade at Police Region Office 12, sa Sarangani Province kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Major Ezra Balagtey, tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom), kinilala ang nahuling communist leader na si Nicanor Pason na kilala bilang Kumander Costan, ang pinuno ng NPA Group na nag-ooperate sa Sarangani, South Cotabato, at Sultan Kudarat.

Kasamang naaresto ang spokesperson ng Far South Mindanao Regional Committee ng NPA na si Bernard Prespetero, at dalawang NPA couriers na kinilalang sina Josephine Carvajal Sumagaysay at Reynaldo Beringel Loyola.

Tanging si Costan ang sugatan sa naturang operasyon nang rumesponde ang mga tropa sa tangka nitong magpasabog ng granada.

Si alias Costan ay may standing warrant of arrest para sa murder na inilabas ng Regional Trial Court 11, Branch 38 Alabel, Sarangani Province.

Dinala si Costan sa Maitum Hospital para ipagamot, habang ang tatlo niyang kasamahan ay dinala sa tanggapan ng Philippine National Police (PNP) para sa legal na aksyon.

Ayon kay EastMinCom Commander Lt. Gen. Filemon Santos, ngayong nalalagas na ang pwersa ng NPA sa dami ng mga nagsisuko, tututukan na ng militar ang pagtugis sa kanilang mga lider.

YOU MIGHT ALSO LIKE