!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mahigit ₱900-B ilalaan ng pamahalaan sa Build, build, build program, sa susunod na taon
By Kathleen Forbes - August 21, 2019 , 6:35 pm

₱972.5 billion ang ilalaang pondo ng pamahalaan para sa Build build build program nito sa susunod na taon.

Sa budget message ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi niya na ang halagang inilaan ay inaasahang magreresulta sa 4.6 GDP growth.

Sa naturang halaga, ₱534.3 billion ang para sa Department of Public Works and Highways (DPWH) habang ₱147 billion o 112 percent na mas mataas sa 2019 budget nito ang para sa Department of Transportation (DOTr).

Sa ilalim ng DPWH, ₱119.1 billion ang pondo para sa network development program, ₱51.8 billion ang para sa asset preservation program o pagkukumpuni, habang ₱32.9 billion ang para sa bridge program.

Kabilang naman sa mga popondohan sa ilalim ng DOTr ang rail transport program, na mayroong ₱106.7 billion budget allotment.

Ilan sa mga proyekto na popondohan ay ang  North-South Commuter Railway system, na may ₱84.7 billion na allotment, ₱9.8 billion naman sa Metro Manila Subway project phase 1, ₱5.1 billion para sa MRT line 3 rehabilitation project at ₱96.1 million para sa Mindanao Railway project.

YOU MIGHT ALSO LIKE