!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mahigit P1-M halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Taguig City
By Hajji KaamiƱo - February 14, 2020 , 3:22 pm

Naaresto ng mga tauhan ng Mobile Patrol Unit ang isang motorcycle rider, matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa itinalagang checkpoint sa C-6 Road, Barangay Hagonoy, Taguig City.

Kinilala ang suspek na si Darwin Pindaliday, 40 taong gulang at residente ng Pasig City.

Ayon sa pulisya, pinigil nila sa checkpoint si Pindaliday, na noon ay nakasakay sa kanyang motorsiklo.

Nang inspeksyunin, ay tumambad sa mga awtoridad ang halos 180 grams ng pinaniniwalaang shabu, na may street value na aabot sa P1.2 milyon.

Bukod dito, nakumpiska mula sa lalaki ang kutsarita, timbangan, itim na pouch bag at P3,000.

Nakakulong na si Pindaliday sa Taguig Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

YOU MIGHT ALSO LIKE