Mahigit Php 900,000 halaga ng armas at bala, na-turn over ng PNP sa BuCor
By Leo Sarne - October 14, 2021 , 9:31 am

Pinangungunahan ni PNP Deputy Chief for Administration PLt. Gen. Joselito Vera Cruz at PNP Director for Logistics PBGen. Ronaldo Olay, ang pag-turn over ng 944,000 pisong halaga ng bala at armas sa Bureau of Corrections (BUCOR).

Ang mga armas na donasyon ng PNP ay tinanggap ni BuCor Director-General, Usec. Gerald Q. Bantag at Asec. Milfredo Melegrito sa turnover ceremony sa Camp Crame kahapon.

Kabilang dito ang 40 units ng iba’t ibang modelo ng 12-gauge shotgun, 2,000 rounds 12-gauge shotshells, 40 units ng iba’t ibang modelo na cal .38 revolver, at 960 rounds ng Ctg. ball cal .38.

Ang mga nasabing kagamitan ay hindi na bahagi ng supply line ng PNP at klasipikado na bilang “disposable properties”.

Pinili ng PNP na i-donate na lamang ang mga kagamitan sa BUCOR upang magamit ng mga jail guards sa pagmantini ng kaayusan at seguridad sa mga piitan.

Nagpasalamat naman si Usec. Bantag kay PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar sa suporta ng PNP sa BUCOR.

YOU MIGHT ALSO LIKE