Mahigit sa 9,000 bagong kaso ng COVID-19, naitala ngayong araw
By Julius Gonzales - April 8, 2021 , 10:00 pm

Base sa latest bulletin ng Department of Health (DOH), umabot sa 9,216 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong Huwebes.

Kumpara kahapon, ay mas mataas ito ng halos 3,000 sa naitalang 6,414 na datos kahapon.

Bunsod nito ay umakyat sa 167,279 ang aktibong kaso o hindi pa gumagaling sa buong bansa.

Habang ang kabuuang kaso na tinamaan ng COVID-19 sa buong bansa ay nasa 828,366

Ang bilang naman ng mga gumaling ay nasa 598 ngayong araw, kumpara sa 163 na naitalang recoveries kahapon.

Samantala, ang bilang ng mga nasawi ngayong araw ay 60 kumpara sa naitala kahapon na 242.

YOU MIGHT ALSO LIKE