Mahigpit na pagpapatupad ng pinaiksing curfew hours, bilin ni Eleazar sa NCRPO
October 14, 2021 , 9:36 am

Siguraduhing walang lilisaw-lisaw sa mga lansangan sa oras ng Curfew.

Ito ang bilin ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) matapos na ipatupad ang pinaiksing cufew hours.

Ipinatupad ng Metro Manila Council ang pinaiksing curfew mula hatinggabi hanggang alas-kwatro ng umaga epektibo kahapon.

Ito’y matapos ang napaulat na pagbaba ng mga kaso ng Covid 19 sa Metro Manila mula nang ipatupad ang General Community Quarantine Alert Level 4.

Ayon sa PNP Chief, maaring samantalahin ng mga masasamang loob ang pinaiksing curfew hours para gumawa ng krimen kaya kailangang manatiling alerto ang mga pulis.

YOU MIGHT ALSO LIKE