!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Maintainer ng drug den, arestado sa Sultan Kudarat
By Leo Sarne - October 11, 2019 , 9:40 am

Naaresto ng mga operatiba ng Sultan Kudarat Municipal Police Station (MPS), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) BARMM at Regional Mobile Force Battalion 14, ang maintainer ng drug den na asawa ng isang pusher na nakatakas sa buy-bust operation sa Sultan Kudarat, Maguindanao, nitong Miyerkules ng umaga.

Sa ulat ng Sultan Kudarat MPS na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mag-asawang suspek na si alyas Bano at Bailanlie Ali Datumanong, kapwa residente ng Bgy. Kabuntalan, Sultan Kudarat.

Sa isang buy-bust operation sa naturang barangay, bandang alas-5:30 ng umaga, matagumpay na nakabili ng isang pakete ng shabu ang poseur-buyer kay alyas Bano, pero nakatakas ito nang makahalata na mga pulis ang kanyang ka-transaksyon.

Sa isinagawang hot pursuit operations, nadiskubre ng mga operatiba ang isang drug den na mini-maintain umano ng pangalawang suspek na si Datumanong, na kinalaunan ay natuklasang asawa ng unang suspek na si alyas Bano.

Narekober sa operasyon ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P175,000.

YOU MIGHT ALSO LIKE