Majority ng award para sa Best Police Stations sa NCR, nakuha ng QCPD 
By Tess Ramirez - July 11, 2019 , 11:39 pm

Nakopo ng Quezon City Police District (QCPD) ang majority ng award para sa mga pinaka-natatanging istasyon ng pulis sa Kamaynilaan.

Novaliches Police Station ang nanguna sa kategoryang pinakamaraming pulis na naglilingkod sa lugar.

Ang pinagkalooban ng limang Best Police Station sa National Capital Region ay Novaliches Police Station o Police Station 4 sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lt. Col. Rossel Cejas para sa unang pwesto; sinundan ng La Loma Police Station 1 na nasa pamamahala ni Police Lt.Col. Camlon Nasdoman; pumangatlong Best Police Station ang Masambong Station 2 ni Police Lt. Col. Rodrigo Soriano; at Galas Police Station 11 ang nasa panlima, under Police Lt. Col. Carlito Mantala.

Ang nakakuha ng ikaapat na Best Police Station ay Raxa Bago Police Station 1 na bahagi ng Manila Police District.

Sinabi ni QCPD Director Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr. na makatataas ng kumpiyansa at moral ng mga pulis ang ganitong parangal na iniaalay nila sa mga residente ng lungsod.

Nagpasalamat rin siya sa lokal na pamahalaan na sumusuporta aniya sa mga programang may kinalaman sa peace & order.  Kasabay nito’y tiniyak ng QCPD na patuloy silang magiging mabisang katuwang sa pagprotekta sa taumbayan.  | ulat ni Tess Ramirez

YOU MIGHT ALSO LIKE