!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Makati LGU, bumuo na ng task force para inspeksyunin ang mabababang lugar na posibleng bahain dahil sa bagyong Tisoy
By Hajji Kaamiño - December 3, 2019 , 7:47 am

Bumuo na ang Makati City government ng joint task force na tututok sa inspeksyon ng mabababang lugar na posibleng bahain pati na sa pre-emptive measures dahil sa inaasahang pananalasa ng bagyong Tisoy.

Ang task force na ipinag-utos ni Makati City Mayor Abigail Binay ay binubuo ng Philippine National Police, Public Safety Department, Social Welfare, at Department of Engineering and Public Works.

Kabilang sa tinukoy na flood-prone areas ay ang Barangay Palanan, San Isidro, Bangkal, Pio Del Pilar, Magallanes, Singkamas, Tejeros, Kasilawan, Carmona, Olympia, Valenzuela, Poblacion, Guadalupe Viejo at Nuevo, Cembo, West at East Rembo, Comembo, Pembo, Rizal at iba pang malapit sa mga creek.

Nakaposisyon na ang flood spotters sa lungsod na magmo-monitor sa lebel ng tubig at hindi madaanang kalsada at magbibigay ng report kada 30-minuto.

Handa na rin ang resources ng lungsod gaya ng rescue teams at cluster na ipinakalat sa iba’t ibang barangay.

Samantala, ipinatanggal na ang mga billboards, tiniyak na maayos ang disposal ng mga basura, natapos na ang declogging operations at nilinis ang mga delikadong punongkahoy.

YOU MIGHT ALSO LIKE