!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Malasakit Program Act, aprubado na sa committee level sa Kamara
By Kathleen Forbes - September 18, 2019 , 6:54 pm

Lusot na sa House Committee on Health ang substitute bill na layong bumuo ng Malasakit Program at maitayo ang Malasakit Centers sa mga ospital.

Ayon sa joint statement nina House Majority Leader at Leyte Representative Martin Romualdez at Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, na pangunahing may akda ng panukala, layunin nitong matulungan ang mga walang kakayahan na mga pasyente na makapagpa-ospital o makapagpagamot.

Sakop din ng Malasakit Program Act ang medical services na hindi binabayaran ng PhilHealth, tulad ng laboratory, imaging at iba pang diagnostic procedures; mga gamot at supplies; orthopedic at assistive devices, prosthesis, blood at blood products; dental services at medical at surgical procedures, pati mga post hospitalization rehabilitation services, aftercare program, mental at psychological support.

Sa inaprubahang substitute bill, ipinapanukala na magtatag ng mga Malasakit Centers sa lahat ng Department of Health (DOH)-run hospitals sa buong bansa.

YOU MIGHT ALSO LIKE