Mambabatas, nanawagan ng dagdag na donasyon na PPE para sa PGH
By Kathleen Forbes - May 23, 2020 , 1:03 am

Muling umapela si ACT-CIS Partylist Rep. Nina Taduran sa pribadong sektor at maging mga kasamahan sa Kongreso na mag-donate ng personal protective equipment para sa Philippine General Hospital.

Ayon sa kinatawan, 600 na PPE kada araw ang kinakailangan ng PGH upang tugunan ang panga-ngailangan ng mga COVID-19 patients.

Kabilang sa PPE ang masks, gloves, gowns, surgical caps, shoe covers, goggles at disinfectants.

Samantala, nakatakda namang mag-donate si ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap, bilang legislative caretaker ng Benguet ng PCR machine at Automated Extraction Machine sa Benguet General Hospital, upang mas marami pang residente ang masuri laban sa COVID-19

Ngunit dahil wala pang sapat na pasilidad sa pagamutan, lalagda muna sila ng Memorandum of Agreement sa Baguio General Hospital, na tanging COVID testing center sa rehiyon at doon muna ilalagay pansamantala ang makina.

Sa ilalim ng kasunduan, ang Baguio General Hospital ang magsasagawa ng testing gamit ang mga makina ngunit maglalaan sila ng bilang ng pagsusuri kada araw para sa mga residente ng Benguet, hanggang sa panahong magkaroon na rin ng sarili nilang testing site ang Benguet General Hospital.

YOU MIGHT ALSO LIKE