!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mandatory Bible reading sa mga public school, ipinapanukala ng isang kongresista
By Kathleen Jean Forbes - October 11, 2019 , 7:19 am

Isinusulong ni Minority Leader at Manila 6th District Representative Benny Abante na gawing mandatory ang pagbabasa ng bibliya sa mga pampublikong paaralan.

Sa kanyang House Bill 2069 gagawing bahagi ng curriculum ang pagbabasa ng bibliya.

Isasama ito mga asignatura ng FIlipino at English.

Para naman sa mga mag-aaral na Muslim, Quran naman ang kanilang babasahin at aaralin.

Ayon kay Abante, na pastor sa Metropolitan Bible Baptist Church and Ministries, kung babasahin, aaralin at susundin lamang ang turo ng bibliya ay tiyak na mas magiging maayos ang pamamalakad sa ating bansa.

Kung maisasabatas, bibigyan ng 30-araw and Department of Education para bumuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR).

YOU MIGHT ALSO LIKE