Mas mahigpit na protocol sa public transport, ‘no go’ para sa DOH
By Lorenz Francis Tanjoco - January 26, 2021 , 7:59 pm

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na hindi pa kailangang ipatupad agad-agad ang mas mahigpit na protocol sa mga pampublikong transportasyon kahit pa nasa bansa na ang mas nakakahawang UK variant COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire kung babalikan ang layunin kung bakit binubuksan ang ibang sektor ng lipunan ay dahil sa pagbalanse ng ekonomiya at kalusugan.

Paliwanag nito kung susunod lamang ang publiko sa pamantayan na inaprubahan at binigyan ng pag-aaral ng Inter-Agency Task Force (IATF) officials ay maiiwasan ang pagkalat ng virus.

Pero, titignan pa rin aniya depende sa bilang ng mga kaso na maitatala sa mga susunod na araw o linggo.

Oobserbahan din aniya ito dahil mayroong hakbang at parameters para matukoy kung kinakailangan ang mas istriktong classification ng bawat lugar.

YOU MIGHT ALSO LIKE