!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mayor Isko, binalaan ang operators ng mga palengke na di nagbabayad ng utang sa pamahalaang lungsod
By Jesson Tamondong - August 13, 2019 , 5:31 pm

Binigyan ng 72-oras na palugit ni Mayor Isko Moreno ang mga operator ng mga iba‘t ibang pamilihan o public market sa lungsod ng Maynila upang bayarana ang mga pagkakautang ng mga ito sa pamahalaang lungsod.

Kabilang dito ang XRC Mall Developers at Marketlife Management and Leasing Corporation.

Ayon kay Mayor Isko, ang XRC Mall Developers ay may pagkakautang na mahigit ₱14-million mula April 2017 hanggang July 2019.

Ayon sa report ng City Administration Market Operators, nagkaroon ng joint venture agreement ang city hall at ang XRC Mall Developers, na kung saan kailangan magbayad nito ng taunang guaranteed annual revenue share kapalit ng pagpapatakbo ng mga public market sa Sta. Ana, San Andres, Sampaloc at Trabajo.

Mahigit ₱11-million naman ang kailangan bayaran ng Marketlife Management and Leasing Corporation, na hindi nabayaran mula July 2017 hanggang July 2019

Ayon sa alkalde, mahaharap sa kaso ang mga nasabing korporasyon kung hindi makakapagbayad ng utang sa loob ng tatlong araw.

Aniya, dapat magbayad ang mga ito dahil mismong mga maliliit ng tindera ay nagbabayad ng kanilang buwanang renta sa mga palengke ng lungsod.

YOU MIGHT ALSO LIKE