Mayor Isko: Mananatiling maigting ang kampanya kontra ilegal na mga aktibidad sa Maynila
By Jesson Tamondong - August 13, 2019 , 5:36 pm

Mananatiling agresibo ang pamahalaang lungsod sa paghuli sa mga taong gumagawa ng mga ilegal na aktibidad, ito ang tiniyak ni Mayor Isko Moreno Domagoso, matapos iprisinta sa media ang sandamakmak na baril, pampasabog, video karera at mga drug suspek na nahuli sa isang linggong operasyon ng PDEA, DILG at MPD sa Baseco sa Maynila.

Ito ay matapos ipag-utos ni Mayor Isko, na sugpuin ang lahat ng ilegal na akibidad sa nasabing barangay sa loob ng isang linggo.

Siyam na video karera, 159 na iba’t ibang kalibre ng baril, at apat na pampasabog, ang ilan lang sa mga nakumpiskang ilegal na gamit sa Baseco, habang tatlumput pito namang drug suspek ang naaresto sa isinagawang Oplan Baseco.

Ayon sa alkalde, magpapatuloy ang nasabing kampanya upang magkaroon ng kapanatagan ang mga taga Maynila.

Dagdag pa niya, susunod na susuyurin ang mga barangay na gaya ng Brgy. 275, Brgy. 29, Brgy. 105, 101 at 123, na ayon sa ayon sa alkalde ay talamak din ang nangyayaring mga ilegal na aktibidad

Nagpahayag naman ng suporta ang PDEA, MPD at DILG sa plano ng alkalde, at tiniyak na hindi hihinto sa kanilang operasyon hanggat di nauubos ang mga gumagawa ng masasama sa lungsod.

YOU MIGHT ALSO LIKE