Mayor Isko Moreno, suportado ang panukala ng DOT
By Lorenz Tanjoco - February 26, 2021 , 8:57 pm

Suportado ni Manila Mayor Isko Moreno ang panukala ng Department of Tourism (DOT), na magtatag ng ‘family day’ sa mga tourist site sa Manila.

Ibig sabihin nito, base sa hiling ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa Inter Agency Task Force (IATF), papayagang ikansela kahit isang araw lang ang ipinatutupad na age restriction sa Manila, para makapamasyal ang buong pamilya sa mga pasyalan sa lungsod.

Sa ilalim kasi ng guidelines ng IATF, na hindi pinapayagang makalabas ang 15 taong gulang pababa at 65 taong gulang pataas, maliban na lang kung kinakailangan talaga tulad ng pagpapa-ospital.

Ani Moreno, na makatutulong ng malaki ang nasabing panukala sa ekomoniya na pinalubog ng pandemya.

Kamakailan lang nang buksan ng Manila ang Intramuros, para sa mga turista na maaaring makalabas ng bahay.

YOU MIGHT ALSO LIKE