Mayor Sara Duterte, nanguna muli sa isa pang presidential survey
By Michael Rogas - February 23, 2021 , 10:46 pm

Naungusan na naman ni Davao City Mayor Sarah Duterte sa isang presidential survey ang iba pang posibleng kumandidatong pangulo sa susunod na taon. 

Ito ang resulta sa 1200 online respondent ng OCTA Research. Ginawa ito mula Enero 26 hanggang Pebrero 1.

Nasa 22% ang nakuha ni Mayor Sara habang 13% lamang ang sumunod sa kanya na si Sen. Grace Poe at tabla sa 12% sina Sen. Manny Pacquiao at dating Sen. Ferdinand Bongbong Marcos. 

Nasa 11% naman ang nakuha ni Manila Mayor Isko Moreno, 6% si Sen. Bong Go habang 5% lamang si Vice President Leni Robredo. 

Umabot sa 3% naman ang nakuha ni Senate Pres. Tito Sotto at Taguig-Pateros Cong. Alan Peter Cayetano habang 2% naman ang nakuna nina Sen. Cynthia Villar, Panfilo Lacson at dating DILG Sec. Mar Roxas.

YOU MIGHT ALSO LIKE