!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mga ahensiya ng pamahalaan nagpupulong na para sa protocol sa pagdaan ng foreign vessels sa PH waters
By Racquel Bayan - August 21, 2019 , 8:12 pm

Binabalangkas na ng pamahalaan ang mekanismo o protocol na ipatutupad hingil sa pagdaan ng mga foreign vessel sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Aminado si Cabinet Secretary Karlo Nograles, na malaking hamon ang pagpapatupad ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte, na i-monitor ang lahat ng dayuhang sasakyang pandagat na dadaan sa territorial waters ng bansa. Nasa security forces na aniya kung papaano ito ipatutupad.

Sa kasalukuyan ayon kay Nograles, tuloy-tuloy ang briefing ng mga opisyal ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang kaukulang ahensya ng pamahalaan para dito.

Matatandaang kahapon, inanunsyo ng Palasyo na kailangan nang humingi ng clearance sa gobyerno ng Pilipinas ang mga foreign vessel na dadaan sa mga karagatang sakop ng bansa bago ang kanilang actual passage.

YOU MIGHT ALSO LIKE