Mga apektadong pasahero ng nasunog na fastcraft vesssel sa Real Quezon, nadagdagan pa
By Julius Gonzales - May 25, 2022 , 9:52 pm

Mula sa unang naiulat na 134 na naapektuhan ng nasunog na Mercraft 2 sa karagatang sakop ng Real, Quezon ay tumaas pa ito sa 157.

Ang paglilinaw ay inilabas ng Philippine Coast Guard ngayong araw, sa gitna ng kanilang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Ayon sa PCG, sa nasabing bilang ay 121 ang nakaligtas at hindi nasugatan sa sunog, 29 ang sugatan, at 7 ang nasawi.

Binigyang diin ng PCG na hindi pa rin maikokonsidera na overloaded ang fastcraft vessel dahil nasa 187 ang passenger capacity nito.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng kumpirmasyon ang PCG kung ano ang sanhi ng sunog sa MV Mercraft 2 dahil patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa trahedya sa dagat.

YOU MIGHT ALSO LIKE