Mga biyaherong nais magpunta sa isang lugar sa bansa, di na kailangang magpa-COVID-19 testing maliban na lamang kung i-obliga ng pupuntahang LGU — IATF
By Alvin Baltazar - February 27, 2021 , 4:39 pm

Hindi na itatakdang requirement ang COVID-19 testing sa isang indibidwal na nais na magbiyahe sa isang lugar.

Ganunpaman, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito’y magiging depende na lamang sa destinasyong local government unit (LGU) ng isang bibiyahe.

Kung may polisiya aniya ang isang lokal na pamahalaan na dapat sumailalim muna sa RT- pcr test ang mga biyahero sa kanilang teritoryo ay kailangan itong gawin.

Dagdag ni Roque na tinanggal na din ang 14 days quarantine period sa mga travellers maliban na lamang na magpakita ang mga ito ng anomang sintomas pagdating sa kanilang LGU of destination.

Ang bagong panuntunan ay binalangkas ng Departnent of the Interior and Local Government (DILG) sa pakikipag-ugnayan sa
Union of Local Authorities of the Philippines, League of Provinces of the Philippines, League of Municipalities of the Philippines, at League of Cities of the Philippines.

YOU MIGHT ALSO LIKE