Mga darating na COVID-19 vaccine ng Sinovac, personal na sasalubungin ni Pangulong Duterte
By Nimfa Mae Asuncion - February 26, 2021 , 7:42 pm

Kinumpirma ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na personal nilang sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga dadating na donasyong COVID-19 vaccine ng bansang China.

Una nang kinumpirma ng Malakanyang na sa Linggo, Pebrero 28, na darating ang nasa 600 thousand doses ng COVID-19 vaccine ng kumpanyang Sinovac.

Inaasaahangg alas-singko ng hapon sa Linggo darating ang mga bakunang ito.

Sinabi rin ni Go na isa ang Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa mga unang makatatanggap ng bakuna.

Nasa 30,000 doses aniya ang makukuha ng VMMC na ipamamahagi naman sa kanilang mga doktor, mga sundalo at civilian employees ng Department of National Defense (DND)

YOU MIGHT ALSO LIKE