Mga eksperto sa bakuna, inirekomenda ang Sinovac para sa mga nakatatanda
By Julius Gonzales - April 7, 2021 , 10:51 pm

Inirekomenda ng Vaccine Development Expert Panel na gamitin ang bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac sa mga senior citizen.

Sa kasalukuyan ay limitado lamang sa mga edad 18 hanggang 59 ang pwedeng turukan ng Coronavac.

Ayon kay Dr. Nina Gloriani, ang head ng Vaccine Development Panel, ipinarating na nila sa Food and Drug Administration (FDA) ang kanilang rekomendasyon.

Kasunod nito ay inaasahang mag-aanunsyo ng kanilang desisyon ang FDA hinggil dito sa lalong madaling panahon.

Dagdag pa ni Dr. Gloriani, maganda ang safety profile ng Coronavac sa mga senior citizen na naturukan sa ibang bansa, katulad ng Brazil at China.

Pangkaraniwan din ang side effects na naranasan ng mga nabakunahan ng Sinovac, tulad ng pananakit ng balikat at braso.

YOU MIGHT ALSO LIKE