!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mga empleyado ng Office of the President, makakatanggap ng P60K Christmas bonus
By Racquel Bayan - December 3, 2019 , 7:32 am

Makakatanggap ng P60,000 na Christmas bonus ang mga empleyado ng Office of the President.

Ito ang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Christmas Tree lighting ceremony sa Kalayaan Grounds kagabi.

Kasabay nito, pinasalamatan ng Pangulo ang lahat ng empleyado sa Malacañang dahil sila aniya ang naging katuwang niya sa pagpapaabot ng serbisyo sa publiko.

Umaasa naman ang Pangulo na magpapatuloy ang dedikasyon ng mga ito na makapaglingkod sa mga Pilipino.

Pinangunahan ng Pangulo kagabi ang pagpapailaw sa 40-feet na Christmas Tree sa Malacañang complex.

PANOORIN | Pangulong Rodrigo Duterte, pinangunahan ang pag-iilaw sa 40-feet na Christmas tree sa Kalayaan Grounds, Malacañang Complex. | via Racquel Bayan

Posted by Radyo Pilipinas on Monday, 2 December 2019

YOU MIGHT ALSO LIKE