Mga mambabatas na dumalo sa Special Session ng Kamara, pinayuhan na mag-self quarantine
By Kathleen Jean Forbes - March 26, 2020 , 8:31 am

Inabisuhan na ni House Secretary General Jose Luis Montales ang mga kongresista na dumalo sa Special Session nitong Lunes, March 23, na sumailalim na rin sa self-quarantine.

Ito’y matapos magpositibo sa COVID-19 si House Committee on Appropriations at ACT-CIS Partylist Representative Eric Go Yap na present sa ginawang special session ng Kongreso.

Ayon kay Montales, kasama sa mga sasailalim sa self-quarantine mula ngayong araw si House Speaker Alan Peter Cayetano, mga staff at mga empleyado ng Kamara na present sa special Session.

Sasailalim rin sa quarantine sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, at Budget Secretary Wendel Avisado na naroroon din noong araw na iyon.

Tiniyak naman ni Montales na sinusunod ng Kamara ang protocol at regular na pag-disinfect sa mga gusali, halls at kwarto na ginamit sa Batasang Pambansa.

YOU MIGHT ALSO LIKE