Mga pagtitipon ng mga bakunado, maaari nang payagan kung magpapatuloy ang pagbaba ng mga kaso, ayon sa Octa Research Team
By Julius Gonzales - October 13, 2021 , 9:57 pm

Naniniwala ang Octa Research Team na maaari nang payagan ang malalaking pagtitipon tulad ng Christmas party, kung magpapatuloy ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Guido David ng Octa Research Team, eto ay kung bakunado na ang lahat ng dadalo sa pagtitipon.

Gayunman, sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na kailangan pa ring sumunod sa ilang patakaran, katulad ng pag-iwas sa mga closed-spaces o kulob na lugar, crowded places o matataong lugar, at closed contact o malapitang pakikisalamuha, kahit pababa na ang mga kaso.

Sinabi naman ng Private-Hospital Association of the Philippines Inc. na kung sila ang tatanungin, ay mas mabuting iwasan na muna ang mga pagtitipon-tipon.

YOU MIGHT ALSO LIKE