!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mga posibleng kasong haharapin ni Faeldon, ipinapaubaya na sa Ombudsman
By Alvin Baltazar - September 12, 2019 , 8:57 am

Depende na sa kalalabasan ng ginagawang imbestigasyon ng Ombudsman at ng Senado kung ano ang mga kasong posibleng kaharapin ni dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.

Kaugnay pa rin ito ng patuloy na kontrobersiya sa BuCor, na kung saan ay hindi lamang Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang nahahalukay sa kasalukuyan.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, ongoing na ang pagsisiyasat sa Ombudsman pati na sa Mataas na Kapulungan.

Bahala na ani Panelo ang mga ito na magdetermina sa kung ano ang mga posibleng maging pananagutan ni Faeldon sa kontrobersiyang nalikha ng paggawad ng kalayaan sa mga presong kuwestiyonable ang kuwalipikasyon sa ilalim ng GCTA.

Si Faeldon ay kasalukuyang konektado na ngayon sa isang pribadong kumpanya, ayon na rin mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos na kanyang sibakin sa puwesto.

YOU MIGHT ALSO LIKE