!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mga presong pinalaya sa GCTA at sumuko sa PNP, 281 na
By Leo Sarne - September 12, 2019 , 11:22 am

Umabot na sa 281 ang mga presong pinalaya sa GCTA na sumuko sa Philippine National Police (PNP), base sa huling taya ngayong alas-6 ng umaga.

Sa datos na inilabas ng PNP-Public information office, 15 ang sumuko sa NCRPO, 26 sa PRO1, 34 sa PRO2, 20 sa PRO3, 13 sa PRO4, 38 sa PRO4B, 20 sa PRO5, 18 sa PRO6, 27 sa PRO7, 8 sa PRO8, 16 sa PRO9, 13 sa PRO10, 9 sa PRO12, 9 sa PRO13, At 15 sa PROCOR.

Sa bilang na ito, 47 na ang nai-turn over sa Bureau of Corrections (BuCor), habang ang iba ay nasa pansamantalang kustodiya ng iba’t ibang himpilan ng PNP.

Hinimok naman ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang nalalabi pa sa 1,914 na pinalaya sa GCTA na sumuko na, bago sumapit ang deadline na itinakda ng Pangulo sa September 19.

Tiniyak ni Albayalde, na iyong mga sumuko na walang problema sa kanilang GCTA matapos ang re-computation, ay makakalaya din.

YOU MIGHT ALSO LIKE