!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mga pulis na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa 10
By Leo Sarne - April 1, 2020 , 8:06 pm

10 pulis na ang nag-positibo sa COVID-19.

Ayon kay PNP Spokesperson PBgen. Bernard Banac, nadagdagan ng 3 ngayong araw na ito ang 7 pulis na unang nasa listahan ng PNP Health Service na may Covid-19.

Ayon sa PNP Health Service, kabilang sa nadagdag ay ang 55 taon na lalaki at 45 na taon na lalaki na pawang nakatalaga sa Metro Manila at isang 42 taong gulang na lalaki na nakatalaga sa Northern Luzon.

Ayon kay Banac, umabot na sa 152 PNP personnel ang Person Under Investigation o PUI at 1,422 PNP personnel ang Person Under Monitoring o PUM.

Bukas na rin aniya ang Kiangan Billeting Center sa Camp Crame para sa lahat ng PNP personnel na naka-self-quarantine, at ang NCRPO ay naglaan din ng 3 gusali bilang Special Care Facilities/Quarantine Areas sa Camp Bagong Diwa.

Habang ang Manila Police District (MPD), at Northern Police District (NPD) ay mayroon ding designated quarantine areas, sa pakikipagkoordinasyon ng kani-kanilang mga LGUs.

YOU MIGHT ALSO LIKE