Mga sasakyang pandagat na naapektuhan ng bagyong Maring, pinayagan nang maglayag ng PCG
By Julius Gonzales - October 13, 2021 , 9:24 pm

Balik na sa paglalayag ang lahat ng mga sasakyang pandagat na naapektuhan ng bagyong Maring.

Sa inilabas na abiso ng Philippine Coast Guard (PCG), alas-otso kaninang umaga ay pinahintulutan na ang pagbabalik ng byahe ng mga barko, at ilan pang sasakyang pandagat.

Kasama na rito ang mga motorized banca at ilang barkong sumilong upang makaiwas sa masungit na panahon.

Pinayagan ng makabiyahe ang mga sasakyang pandagat, makaraang makalabas na ng Philippine area of responsibility ang bagyong Maring, at alisin ng lahat ang typhoon signal o babala ng bagyo.

YOU MIGHT ALSO LIKE