!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mga sumuko sa PNP na pinalaya sa GCTA, 230 na
By Leo Sarne - September 11, 2019 , 4:39 pm

Umabot na sa 230 ang mga presong pinalaya sa GCTA na sumuko sa Philippine National Police (PNP) base sa huling taya ngayong alas-6 ng umaga.

Sa datos na inilabas ng PNP-Public information office, 15 ang sumuko sa NCRPO, 20 sa PRO1, 35 sa PRO2, 21 sa PRO3, 12 sa PRO4, 39 sa PRO4B, 18 sa PRO5, 6 sa PRO6, 16 sa PRO7, 3 sa PRO8, 8 sa PRO9, 9 sa PRO10, 4 sa PRO12, 9 sa PRO13, At 15 sa PROCOR.

Sa bilang na ito, 35 na ang nai-turn over sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ang mga sumuko ay nakulong sa mga kasong murder, rape, robbery with rape, murder and robbery, murder and frustrated murder, attempted rape, robbery with homicide, dangerous drugs, parricide, homicide, carnapping, robbery, rape with homicide, rape and arson, kidnapping with murder, frustrated homicide, at kidnapping.

Hinimok naman ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang nalalabi pa sa 1,914 na pinalaya sa GCTA na sumuko na bago sumapit ang deadline na itinakda ng Pangulo sa Sept 19.

Sinabi ng PNP Chief na nakikipag-coordinate na rin sila sa Bureau of Immigration and Deportation para malaman kung sinu-sino sa mga pinalayang bilanggo ang nangibang bansa na.

YOU MIGHT ALSO LIKE