Murang Kuryente Act, nilagdaan na ni Pangulong Duterte
By Racquel Bayan - August 13, 2019 , 9:11 pm

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11371 o Murang Kuryenye Act na layong pababain ang singil sa kuryente sa pamamagitan ng paglalaan ng pamahalaan ng net government share upang ipangbayad sa utang ng National Power Corporation (Napocor) na ikinakarga sa buwanang electric bill ng mga consumer.

Sa ilalim ng batas, minamandato ang paggamit ng ₱208 billion mula sa Malampaya Fund bilang pambayad sa mga naantalang kontrata at utang.

Tinatayang aabot sa halos ₱200 ang mababawas sa monthly bill ng mga consumer na kumu-konsumo ng 200 kilowatt hour.

Sa Department of Budget and Management (DBM) naman iniatas ang pagtitiyak sa tamang paglalabas ng pondo.

Ika- 8 ng Agosto nang lagdaan ng Pangulo ang naturang batas.

Kasama ring nilagdaan ng Pangulo ang Anti-Obstruction of Power Lines Act, na layon namang imentena at isailalim sa rehabilitasyon ang mga transimisison, sub transmission at distribution lines para mapigilan ang pagkawala ng supply ng kuryente.

YOU MIGHT ALSO LIKE