Naitalang COVID-19 ngayong araw, umabot sa 6,414
By Julius Gonzales - April 7, 2021 , 10:43 pm

Malaki ang ibinaba ng naitalang kaso ng COVID-19 ngayong araw, na umabot sa 6,414 kumpara sa naitala kahapon na 9,373

Ayon sa Depatment of Health (DOH), ito ay bunga ng mas kakaunting sample na nakuha ng mga laboratoryo para suriin.

Sa naturang bilang ay umabot sa 163 ang mga naka-recover o gumaling, na mas mababa sa naitala kahapon na 313.

Samantala, nasa 242 ang bilang ng mga nasawi ngayong araw, bagama’t mas mababa sa record high na naitala kahapon sa 382.

Kahapon ay nasa 19.9% ang positivity rate subalit ngayong araw ay 18.2% ang positivity rate sa mga taong isinalang sa pagsusuri sa COVID-19.

YOU MIGHT ALSO LIKE